Malapit nanaman matapos ang taong 2008 kaya nandito nanaman and Otaku’s Verdict para malaman kung ano ang gusto ng mga Filipino Viewers na anime na pinalabas sa local o cable channels.
May bagong sumali sa category ng local channel at ito ay ang TV5. Ang TV5 ay ang dating ABC5 na mas pinamaganda ngayon dahil sila ang may hawak sa trono ngayon na “MAGPAPALABAS NG BAGONG ANIME FRESH FROM JAPAN”. Ilan na dito ay ang Shakugan no Shana I, Yamato Nadeshiko Shichi Henge at ngayon ay nadagdag pa ito ng apat na magsisimula na sa lunes (Shakugan no Shana II, My-Hime, Noein, at Code Geass). Ang channel ding ito ang nagbabangon sa namamatay ng anime industry dito sa Pilipinas.
Ang GMA ay nagpalabas din ng mga bagong anime sa channel nila tulad ng Powerpuff Girls Z, Atashinchi, Mushiking, Rockman exe stream at Initial D. Sila ay nagpalabas din ng mga bagong anime ngayong malapit na matapos ang taon ilan dito ay ang Bakugan, Air Master at Desert Punk. Kahit na ganito ay nagpapalabas pa rin naman sila ng rerun tulad ng Flame of Recca, Doreamon, Dragon Ball, Bakki the Grapler, Daimos, One piece season 3 at marami pa, at ibang animation tulad ng Jackie Chan adventures.
Sa ABS-CBN naman ay Naruto Shipuuden ay isa sa mga sikat na anime na pinalabas nila ngayong 2008. Ang ibang bagong anime nila ay ang Digimon Series (Frontier at Savers), Fantastic children na di tinapos, at School Rumble 2nd Term. Napakarami rin silang classic anime rerun tulad ng Swiss Family Robinson, Cinderela, Alamat ni Snow White at marami pa. Nirerun din nila ang Dear boys.
Sa QTV ay puro rerun na rin. Rerun nila ang mga Otogi Zoshi, Am Driver, Sugar Sugar Rune, Tsubasa Chronicles at marami pa. Ang bago lang nila ay ang Yawara, Hana no ko Lunlun, My Melody, Prince Mackaroo Season 2, Mahou Tsukai Sally, Galaxy Adventures of OZ, Mahou Shoujo Lalabel. Hanggan ngayon ay puro replay na din ang iba.
Madami din napalabas na new anime ang HERO pero dumadami na rin ang mga chinese, korean at western animation sa channel na ito. Ilan sa mga bagong anime na naipalabas ng HERO ay ang Pani poni dash, Rumbling Hearts, Bokura Ga Ita, Ghost Hunt, Twelve Kingdoms at Naruto Shipuuden.
Di rin papatalo ang ANIMAX pagdating sa pagpapalabas ng mga new anime. Nagpalabas sila ng new titles ngayong 2008 like La Corda, Xxxholic, Big Wind-up, God? Save Our King! SEASON 2, Maria Watches Over Us OVA 3rd Season at Sergeant Keroro.
Palaban din ang Cartoon Networkngayong taon na to sa pagpapalabas ng New animes ilan dito ay ang Ultimate Muscle, Animal Yokocho at Bagaukan. Pero hindi pa rin nawawala ang concept ng channel na ito kahit na nagpapalabas sila ng mga animes ay cartoon channel pa rin ito.
Kaya mga otakus bumoto na kayo sa Otaku’s Vedrict sa nalalapit na disyembre!
Ito ang link -> http://www.otakusverdict.cjb.net/
