May good news at bad news agad sa unang month of 2008. Uunahin ko na ang good news, ang good news ay pag dating ng Naruto (Shipuuden) sa ABS sa hapon sa muling pag-kakaroon ng anime sa hapon ng ABS. Isa  rin sa mga good news ay ang pagbabalik ng Samurai X at Gundam Seed Destiny sa Studio at dahil din dito nadagdagan na ulit ang anime sa studio 23. At masasabi ko na rin isa sa mga good news ang pagkaabot ng Initial D ng GMA hanggang sa Second Stage sana maakaabot pa sila hanggang Fourth Stage..

Punta naman tayo sa mga masasabing bad news. Isa na rito ay ang nakatakdang pagpapalit ng mga anime sa morning ng ABS at isa sa mga problema ay ang pagpapalit nila sa capeta at cooking master boy dahil sa pag-dating ng Cedie ( to be replaced to capeta) at Swiss Family Robinson (to be replaced to cooking master boy). Dahil nakatakda itong ipalabas sa January 14, pero ang capeta at cooking master boy at capeta have 52 episode. Dapat sa tuesday(January 15,2008) pa sila magtatapos pero dahil sa Cedie at Swiss family robinson mapipilitan itong matapos sa January 11,2008.

Ang pagbabalik ng Ghost fighter ay hindi ko alam kung san ko ilalagay. May natutuwa pa ba sa pagbalik nito? At may mga naasar ba sa pagbalik nito?

Post a Comment

*
*